3 Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at nag-utos na ikadena ito at ikulong dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. 4 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo siya puwedeng maging asawa.” 5 Talaga ngang gusto ni Herodes na patayin siya, pero takot siya sa mga tao na kumikilala kay Juan bilang isang propeta.
6 Kaarawan ni Herodes at nagsayaw ang anak na babae ni Herodias, at nasiyahan si Herodes sa kanya. 7 Kaya sinumpaan niya ang isang pangako na ibibigay sa kanya ang anumang hingin niya. 8 At sinabi ng babae ayon sa turo ng kanyang ina: “Ibigay mo rito sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.”
9 Nasaktan
ang hari ngunit napanumpaan na niya ang pangako sa harap ng mga bisita kaya
iniutos niya na ibigay iyon sa kanya. 10 At pinapugutan niya ng
ulo si Juan sa kulungan; 11 inilagay sa isang plato ang kanyang ulo at
ibinigay sa babae, at dinala ito ng babae sa kanyang ina. 12 At
pagkatapos ay dumating naman ang mga alagad ni Juan at kinuha ang kanyang
katawan at inilibing. At pagkatapos ay ibinalita ito kay Jesus.
No comments:
Post a Comment