Thursday, July 1, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 3, Sabado Santo Tomas, apostol (Kapistahan): Juan 20:24-29


Mabuting Balita: Juan 20:24-29
24 Hindi nila kasama si Tomas na tina¬guriang Kambal, na isa sa Labin¬dalawa, nang du¬mating si Jesus. 25 Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Pangi¬noon!” Sinabi naman niya: “Maliban lamang na ma¬kita sa kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at maipasok ang aking daliri sa pinag¬lagusan ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako mani¬niwala!” 

26 Makaraan ang walong araw, mu¬ling nasa loob ang kanyang mga ala¬gad at kasa¬ma nila si Tomas. Dumating si Jesus ha¬bang nakasara ang mga pinto at puma¬gitna. At sinabi niya: “Kapa-yapaan sa inyo!” 27 At sinabi niya kay Tomas: “Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at huwag tumangging maniwala kundi ma¬niwala!” 

28 Sumagot si Tomas sa kanya: “Pangi¬noon ko at Diyos ko – ikaw!” 29 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.”

No comments: