Si Maria naman ay nakaupo sa bahay. 21 At sinabi ni Marta kay Jesus: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. 22 Ngunit kahit na ngayon, alam kong anuman ang hingin mo sa Diyos ay ibibigay sa iyo ng Diyos.” 23 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Babangon ang kapatid mo.” 24 Sinabi naman sa kanya si Marta: “Alam ko na babangon siya sa pagkabuhay sa huling araw.”
25 Sinabi
sa kanya ni Jesus: “Ako siyang pagkabuhay (at ang buhay.) Mabubuhay ang
nananalig sa akin kahit na mamatay siya. 26 Hinding-hindi mamamatay
kailanman ang bawat nabubuhay at nananalig sa akin. Pinaniniwalaan mo ba
ito?” 27 Sinabi niya sa kanya: “Opo, Panginoon. Nananalig nga ako na ikaw
ang Kristo, ang Anak ng Diyos, na dumarating sa mundo.”
No comments:
Post a Comment