Wednesday, June 23, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hunyo 27 Ika – 13 Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 5:21-43


Mabuting Balita: Marcos 5:21-43
21 Pagkatawid ni Jesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkalipumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. 22 At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nag¬patirapa ito sa kanyang paanan 23 at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Nag¬¬hihingalo ang aking dalagita kaya ha¬lika para ma¬ligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.”  

24 Kaya umalis si Jesus kasama niya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya. 25 May isa namang babae na labin¬da¬lawang taon nang dinudugo. 26 Marami na ang tiniis niya sa kamay ng mga dok¬tor at nagastos na niya ang lahat ng meron siya pero hindi pa rin siya umigi kundi lumala pa ang lagay niya. 27 At nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, nilapitan niya ito sa likuran sa gitna ng mga tao at hinipo ang damit nito, 28 sapagkat naisip niya: “Kung mahi¬hipo ko lamang ang kanyang mga damit, ga¬galing na ako.”  

29 At agad na naampat ang pag-agos ng kanyang dugo at naramdaman ni¬yang gumaling na ang kanyang sakit. 30 Ngunit agad din namang nadama ni ¬Jesus na may lakas na lumabas sa kanya kaya lumingon siya sa gitna ng mga tao at nagtanong: “Sino ang hu¬mipo sa mga damit ko?” 31 Sumagot ang kanyang mga alagad: “Nakikita mo nang ginigitgit ka ng napakaraming tao. Bakit mo pa itata¬nong: Sino ang humipo sa akin?” 32 At patuloy siyang tumingin sa paligid para makita kung sino ang gu¬mawa nito. 33 Kaya lumapit na nangi¬ngi¬nig sa takot ang babae. Namamalayan nga nito ang nangyari kaya lumapit ito at nagpa¬tirapa sa harap niya at inamin sa kanya ang buong katotohanan.  

• 34 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Anak, iniligtas ka ng iyong pana¬nalig. Humayo kang mapayapa at ma¬ga¬ling ka na sa iyong sakit.” 35 Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinu¬no ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniistorbo ngayon ang Guro?” 36 Ngu¬nit hindi sila inintindi ni Jesus at sinabi sa pinuno: “Huwag kang matakot, ma¬nam¬¬palataya ka lamang.” 37 At wala siyang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapa¬tid ni Jaime.  

• 38 Pagdating nila sa bahay, nakita niya ang kaguluhan: may mga nag-iiya¬kan at labis na nagtataghuyan. 39 Pu¬masok si Jesus at sinabi: “Bakit nag¬¬ka¬kagulo at nag-iiyakan? Hindi pa¬tay ang bata kundi natutulog lang.” 40 At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Jesus ang lahat, at ang ama at ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. 41 Pag¬pasok niya sa kinaroroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum”, na ibig sabihi’y “Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”  

42 At noon di’y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. (Labindalawang taon na nga siya.) At nagkaroon ng pag¬ka¬mangha, malaking pagka¬mangha. 43 Ma¬hig¬pit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin ka¬ninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.

No comments: