35 Kinahapunan ng araw na
iyon, sinabi ni Jesus sa kanila: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.”
36 Kaya iniwan nila ang mga tao at namangka silang kasama ni Jesus sa
bangkang inuupuan niya. At may iba pang mga bangka na kasabay nila. 37 At
nagkaroon ng malakas na ipuipo. Hinampas ng mga alon ang bangka at
halos lumubog na 38 samantalang tulog siya sa kutson sa
hulihan.
Kaya ginising nila siya at sinabi: “Guro, halos mamamatay na tayo at bale-wala sa iyo!”39 Pagbangon niya, inutusan niya ang hangin at sinabi sa dagat: “Tahimik, huwag kumibo.” Nabawasan ang hangin at nagkaroon ng ganap na kapayapaan. 40 At sinabi niya sa kanila: “Napakatatakot ninyo! Bakit? Wala pa ba kayong paniwala?”
41 Ngunit lalo silang nasindak at
nag-usap-usap: “Sino ito na pati hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?”
No comments:
Post a Comment