Monday, June 7, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 8, Martes sa Ikasampung Linggo ng Taon: Mateo 5:13-16

 


Mabuting Balita: Mateo 5:13-16

13 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao. 

14 Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. 15 Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon,  sa halip ay ini­lalagay ito sa isang lampara at tu­matanglaw sa lahat ng nasa bahay. 16 Ga­yundin naman ang inyong liwanag sa paningin ng mga tao; at makikita nila ang inyong mabubuting gawain at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.

No comments: