Tuesday, June 22, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 26, Sabado sa Ika-12 Linggo ng Taon: Mateo 8:5-17


Mabuting Balita: 
Mateo 8:5-17
5 Pagdating ni Jesus sa Caper­naum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: 6 “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap…” 7 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Paroroon ako at paga­galingin ko siya.”

 8 Sumagot ang kapitan: “Hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. 9 May nag-uutos sa akin at may inuutusan din ako, at pag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa niya ito.” 

10 Nang marinig ito ni Jesus, humanga siya at sinabi sa mga sumu­sunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. 11 Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaha­rian ng Langit. 12 At itatapon naman sa kadiliman ang mga taga­pag­mana ng Kaha­rian; at doon ang iyakan at pag­nga­ngalit ng mga ngipin.”  

13 At sinabi ni Jesus sa kapitan: “Umuwi ka at mangyayari ang pina­niniwalaan mo.” At gumaling ang katulong sa oras ding iyon. 14 Pagpasok naman ni Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenan ni Pedro na may lagnat at naka­higa. 15 Hinawakan niya ito sa kamay at nawala ang lagnat nito. Kaya bumangon ito at nagsimulang mag­lingkod sa kanya. 

16 Pagkalubog ng araw, dinala nila kay Jesus ang mga taong inaalihan ng masasamang espiritu, at sa isang salita lamang ay napalayas niya ang mga ito. Pinagaling din niya ang mga maysakit. 17 Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Propeta Isaias: Kinuha niya ang ating mga sakit at pinasan ang ating mga karamdaman.

No comments: