Monday, June 21, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 23, Miyerkules sa Ika-12 Linggo ng Taon: Mateo 7:15-20


Mabuting Balita: 
Mateo 7:15-20
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 15 Mag-ingat sa mga bulaang propeta na lumalapit sa inyo na parang mga tupa pero mababagsik na mga asong-gubat naman sa loob. 16 Maki­kilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Makapi­pitas ba ng ubas sa tini­kan o ng igos sa dawagan?  

17 Namumunga ng mabuti ang mabu­­ting puno, at namumunga naman ng ma­sa­ma ang masamang puno. 18 Hindi maka­pa­mumunga ng masama ang ma­bu­­ting puno, at ang masamang puno naman ay hindi makapamu­munga ng mabuti. 19 Pinuputol ang anumang puno na hindi namumunga ng mabuting bunga at itinatapon sa apoy. 20 Kaya makikilala ninyo sila sa kanilang bunga.

No comments: