Sunday, June 20, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 21, Lunes San Luis Gonzaga, relihiyoso (Paggunita): Mateo 7:1-5


Mabuting Balita: Mateo 7:1-5
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 1 Huwag humatol at hindi kayo hahatulan. 2 Kung paano kayo humatol sa inyong kapwa, gayon din kayo hahatulan, at susukatin kayo sa sukatang ginamit ninyo. 3 Bakit mo tini­tingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. 

4 Paano mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Halika, at aalisin ko ang puwing sa iyong mata,’ kung may troso naman sa iyong mata? 5 Mapag­kunwari! alisin mo muna ang troso sa iyong mata, at saka mo makikita kung paano aalisin ang puwing sa mata ng iyong kapatid.

 

 

No comments: