Tuesday, June 15, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 18, Biyernes sa Ika-11 Linggo ng Taon: Mateo 6:19-23


Mabuting Balita: Mateo 6:19-23
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 19 Huwag dito sa lupa kayo mag-ipon ng inyong mga iniipon sapagkat dito’y masisira ang mga iyon ng mga kulisap at kalawang, at mananakaw ng magna¬nakaw. 20 Sa piling ng Diyos kayo mag-ipon ng inyong iniipon; wala nga roong kulisap o kalawang na sisira, at walang magna¬nakaw. 21 Mala¬man mo nawa na kung nasaan ang iyong kaya¬manan, naroon din ang iyong puso.

• 22 Ang iyong mata ang lampara ng iyong katawan; kung malinaw ang iyong mata, nasa liwanag ang buo mong katawan. 23 Kung malabo naman ang iyong mata, nasa kadiliman ang buo mong katawan. At kung dumilim ang  liwanag na nasa iyo, gaano pa kaya ang madilim!

No comments: