Sunday, June 13, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 14, Lunes sa Ika-11 Linggo ng Taon: Mateo 5:38-42


Mabuting Balita: 
Mateo 5:38-42
Sinabi ni Jesus sa kanyang nga alagad, • 38 Narinig na ninyo na sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. 39 Ngunit sina­sabi ko sa inyo: Huwag ninyong laba­nan ng masama ang masama. Kung sam­palin ka sa kanang pisngi, ibaling ang mukha at iharap ang kabilang pisngi.  

40 Kung may magdemanda sa iyo para kunin ang iyong sando, ibigay mo pati ang iyong kami­seta. 41Kung may pumilit sa iyong suma­ma sa kanya nang  isang  kilometro,  dala­wang kilometro ang la­ka­rin mong kasama niya. 42 Bigyan ang nanghi­hingi at huwag talikuran ang may hinihiram sa iyo. 

No comments: