9 Sa
paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na
nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At
tumayo si Mateo at sinundan siya. 10 At habang nasa hapag si Jesus sa
bahay ni Mateo, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang
lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad.
11 Nang
makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit
kumakaing kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?” 12 Nang
marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng
doktor kundi ang mga maysakit! 13 Sige, matutuhan sana ninyo ang kahulugan
ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’ Hindi ako pumarito para tawagin ang
mabubuti kundi ang mga makasalanan.”
No comments:
Post a Comment