Tuesday, May 4, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 4 Martes sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 14:27-31a


Mabuting Balita: 
Juan 14:27-31a
27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; kapaya­paan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng mundo ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, ni panghinaan ng loob. 28Narinig ninyong sinabi ko sa inyo. ‘Paalis ako pero pabalik ako sa inyo.’ Kung minahal ninyo ako, magagalak kayo’t papunta ako sa Ama pagkat mas dakila sa akin ang Ama. 

29Ngunit sinabi ko ito ngayon sa inyo bago pa mangyari ito. 30Hindi ko na kayo kakausapin nang mahaba sapagkat parating na ang pinuno ng mundo. Walang anumang kanya sa akin 31ngunit dapat malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, at ayon sa iniutos sa akin ng Ama, ito mismo ang aking ginagawa.

 

No comments: