Monday, May 24, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 25, Martes sa Ikawalong Linggo ng Taon: Marcos 10:28-31


Mabuting Balita: 
Marcos 10:28-31
28 Noong panahong iyon nagsalita si Pedro kay Jesus at si­nabi: “Iniwan namin ang lahat para su­munod sa iyo.” 29 Sinabi ni Jesus: “Talagang sina­sabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo 30 na walang gantimpala. 

Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa pana­hong darating nama’y makakamit niya ang buhay na walang hanggan. 

31 May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”

No comments: