54 Pumunta si Jesus sa kanyang bayan
at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi:
“Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan?
55 Di ba’t siya ang anak ng karpintero? Di ba’t si Maria ang kanyang ina
at sina Jaime, Jose, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? 56 Hindi ba’t
narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae? Ano’t nangyari sa
kanya ang lahat ng ito?” 57 At bulag sila tungkol sa kanya.
Sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” 58At kaunti lamang ang ginawa niyang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya.
No comments:
Post a Comment