Monday, April 26, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Abril 27 Martes sa Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 10:22-30


Mabuting Balita: 
Juan 10:22-30
22 Piyesta ng Pagtatalaga sa Jerusalem, taglamig noon. 23 Palakad-lakad si Jesus sa Templo sa patyo ni Solomon, 24 at pina­ligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang lantaran.” 25 Sinagot sila ni Jesus: “Sinabi ko na sa inyo pero hindi kayo nanini­wala. Nag­papatunay tungkol sa akin ang mga gawang tinatrabaho ko sa ngalan ng aking Ama. 26 Ngunit hindi kayo nani­niwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. 

27 Dinidinig ng aking mga tupa ang aking tinig at kilala ko sila, at sumu­sunod sila sa akin. 28 Buhay magpa­kailanman ang ibinibigay ko sa kanila at hin­ding-hindi sila kailanman mapa­pahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. 29 Mas dakila sa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang maka­aagaw mula sa kamay ng Ama. 30 Iisa kami: ako at ang Ama.”

No comments: