30 Sinabi ng mga tao
kay Jesus: “At anong tanda ang matatrabaho mo para makita nami’t
maniwala kami sa iyo? Ano ba’ng gawa mo? 31 Kumain ng manna sa disyerto
ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: Binigyan sila ng tinapay mula sa langit
at kumain sila.
32 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang Ama ko ang nagbibigay sa inyo ng totoong tinapay mula sa Langit. 33 Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.” 34 Kaya sinabi nila sa kanya: “Lagi n’yo pong ibigay sa amin ang tinapay na ito.”
35 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ako
siyang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at
hinding-hindi mauuhaw kailanman ang nananalig sa akin.
No comments:
Post a Comment