16 Nang magtakipsilim na, lumusong
sa aplaya ang kanyang mga alagad, 17at pagkasakay sa bangka ay nagpakabilang-ibayo
ng dagat pa-Capernaum. Dumilim na at wala pa sa kanila si Jesus: 18 at
magalaw ang dagat sa malakas na ihip ng hangin.
19 Pagkasagwan nila nang may lima o
anim na kilometro, napansin nilang naglalakad si Jesus sa dagat at palapit sa
bangka. Nasindak sila. 20 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Ako siya; huwag
kayong matakot.” 21 Nang isasakay na nila sa bangka, bigla namang nasa
pampang na na pupuntahan nila ang bangka.
No comments:
Post a Comment