Kaya sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman sa sariling kusa ang Anak maliban sa naki¬kita niyang gina¬gawa ng Ama. Anu¬man ang gawin niya, ganoon din ang pag¬gawa ng Anak. Sapagkat mahal ng Ama ang Anak, at itinuro niya sa kanya ang lahat niyang gina¬gawa. At mas maha¬laga pang mga gawa ang ituturo niya kayat mamamang¬ha kayo.
Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay; gayun¬din naman binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hinding-hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman kundi ibinigay niya sa Anak ang buong paghatol at pararangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpapara¬ngal nila sa Ama. Ang hindi nagpapara¬ngal sa Anak ay hindi nagpapa¬rangal sa Amang nagpa¬dala sa kanya.
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na may buhay magpakailanman ang nakikinig sa aking salita at nani¬niwala sa nagpadala sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghu¬hukom.
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na dumarating na ang oras, at nga¬yon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at mabubuhay ang mga nakaririnig. 26 May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayun¬din naman, ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kan¬yang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghu¬kom sapagkat anak siya ng tao.
Huwag n’yo na itong pagtakhan: dumarating ang oras na maririnig ng lahat ng nasa libingan ang tinig niya at mag¬sisilabas sila: sa pag¬ba¬ngon sa buhay ang mga gumawa ng ma¬buti, at sa pagbangon naman sa kapahamakan ang mga gumawa ng masama.
Wala akong magagawa sa sariling kusa. Ayon sa naririnig ko ako naghu¬hukom. At matuwid ang paghuhukom ko dahil hindi sariling kalooban ang hangad ko kundi ang kalooban ng nagpadala sa akin.
No comments:
Post a Comment