Noong panahong iyon sinabi ni Jesus kay
Nicodemo kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat
itaas ang Anak ng Tao 15 upang magkaroon ng buhay magpakailanman ang bawat
nananalig sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya
ang kanyang bugtong na anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya
kundi magkaroon ng buhay magpakailanman.
Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. 18 Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit hinu-kuman na ang hindi nananalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos.
Ito ang paghuhukom: dumating sa mundo ang liwanag pero mas minahal pa ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag sapagkat masasama ang kanilang gawa. 20 Ang gumagawa ng masama’y napopoot nga sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, at baka malantad ang kanyang mga gawa. 21 Lumalapit naman sa liwanag ang gumagawa ng katotohanan upang mabunyag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.
No comments:
Post a Comment