4 Kaya tumindig siya mula sa hapunan
at hinubad ang panlabas na damit, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinigkis sa
sarili. 5 Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa hugasan, at sinimulang
hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya.
6 Nang lumapit siya kay Simon Pedro, sinabi nito sa kanya: “Panginoon, ikaw ba ang maghuhugas sa aking mga paa?” 7 Sumagot si Jesus: “Hindi mo alam ngayon ang ginagawa ko pero mauunawaan mo makaraan ang mga ito.”
8 Sinabi sa kanya ni Pedro: “Hinding-hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus sa kanya: “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka makababahagi sa akin.” 9 Sinabi sa kanya ni Simon Pedro: “Panginoon, hindi lamang ang mga paa ko kundi pati na ang mga kamay at ulo.” 10 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Mga paa lamang ang kailangang hugasan ng naligo na dahil malinis na ang buo niyang sarili. Malinis nga kayo pero hindi lahat.” 11 Alam ni Jesus ang magkakanulo sa kanya. Dahil dito kaya niya sinabing: “Hindi lahat kayo’y malinis.”
12 Kaya nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, kinuha niya ang kanyang panlabas na damit at bumalik sa hapag, at sinabi niya sa kanila: “Nauunawaan n’yo ba ang ginawa ko sa inyo? 13Tinatawag n’yo akong ‘Guro’ at ‘Panginoon.’ At tama ang pagsasabi ninyo: ako nga. 14 Kaya kung hinugasan ko ang inyong mga paa, akong Panginoon at Guro, gayundin kayo dapat maghugasan ng mga paa ng isa’t isa. 15 Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin din ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo.
No comments:
Post a Comment