Friday, February 5, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 6 Sabado San Pedro Bautista, San Pablo Mikki at mga kasama, mga martir (Paggunita): Marcos 6:30-34


Mabuting Balita: Marcos 6:30-34
30 Pagbalik ng mga apostol kay Jesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat nilang ginawa at itinuro. 31 Sinabi naman niya sa kanila: “Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapag¬pa¬hinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo’y marami ang paroo’t parito at hindi  man lamang sila makakain. 32 Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar.

33 Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa kanila. 34 Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nag¬kakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang wa¬lang pastol. At nagsimula siyang mag¬turo sa kanila nang matagal.

No comments: