Naglibot naman si Jesus sa mga nayon sa
paligid sa kanyang pagtuturo. 7 At tinawag niya ang Labin¬dalawa at sinimulang
isugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihan sa mga
maruming espiritu. 8 At sinabihan niya silang huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay
kundi tungkod lamang. Walang pagkain, walang pitaka o pera sa sinturon. 9
Nakasandalyas at may isang damit lang.
10 At sinabi niya sa kanila: “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo mula roon. 11 Kung may lugar na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa kanila.”
12 At pag-alis nila, ipinangaral nila ang
pagbabalik-loob. 13 Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring
maysakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis.
No comments:
Post a Comment