7 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga
alagad, humingi at kayo’y bibigyan; maghanap at matatagpuan ninyo; kumatok at
bubuksan ang pinto para sa inyo. 8 Talaga ngang tumatanggap ang humihingi,
nakakakita ang naghahanap, at pagbubuksan ang kumakatok.
9 Sino sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung tinapay ang hinihingi nito? 10 Sino ang magbibigay ng ahas kung isda ang hinihingi nito? 11 Kahit masama kayo, marunong kayong magbigay ng mabuting bagay sa inyong mga anak. Gaano pa kaya ang inyong Amang nasa Langit? Magbibigay siya ng mabubuting bagay sa mga hihingi sa kanya.
12 Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo, ito ang nasa Batas at Mga Propeta.
No comments:
Post a Comment