3 Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; 4 at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo.
5 Kung mananalangin kayo, huwag ninyong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manalangin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. 6 At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo.
• 16 Pag mag-aayuno kayo, huwag
magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng
lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa
inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. 17 Kung ikaw naman ang
mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili 18 sapagkat hindi ka
nag-aayuno para pakitang-tao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa
lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.
No comments:
Post a Comment