Tuesday, February 09, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 10 Miyerkules Santa Escolastica, dalaga (Paggunita): Marcos 7:14-23


Mabuting Balita: Marcos 7:14-23
14 Tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. 15 Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. 16 Makinig ang may tainga.”  

17 Pagkalayo ni Jesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol sa talin­hagang ito. 18 At sinabi niya: “Wala rin ba kayong pang-unawa? Hindi ba ninyo na­uunawaan na sa bituka pumu­punta ang anumang pumapasok sa tao mula sa labas? 19 Sapagkat hindi sa puso ito puma­pasok kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas.” (Sa gayo’y sinabi niya na malinis ang tanang mga pagkain.)  

20 At idinagdag niya: “Ang luma­labas sa tao ang nagpaparumi sa tao. 21 Sa puso nga ng tao nagmumula ang masa­samang hangarin – kahalayan, pagna­nakaw, pag­patay sa kapwa, 22 pakiki­apid, kasa­kiman, kasamaan, pandaraya, ka­las­waan, pagkainggit, paninira, kapala­luan, kabuktutan. 23 Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.

No comments: