6 Malayo
pa si Jesus ay nakita na siya ng lalaki. Patakbo siyang lumapit kay Jesus at
lumuhod sa harapan niya. 7-8 Sinabi ni Jesus sa masamang
espiritu, “Ikaw na masamang espiritu, lumabas ka sa taong iyan!” Sumigaw ang
lalaki, “Ano ang pakialam mo sa akin, Jesus na Anak ng Kataas-taasang Dios?
Nakikiusap ako, sa pangalan ng Dios, huwag mo akong pahirapan!” 9 Tinanong
siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” Sagot niya, “Kawan, dahil marami
kami.” 10 At paulit-ulit na nagmakaawa ang masamang
espiritu kay Jesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.
11 Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. 12 Nagmakaawa ang masasamang espiritu na kung maaari ay payagan silang pumasok sa mga baboy. 13 Kaya pinayagan sila ni Jesus. Lumabas ang masasamang espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang may dalawang libong baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.
14 Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon at sa mga kalapit-nayon ang nangyari. Kaya pumunta roon ang mga tao para alamin ang tunay na nangyari. 15 Pagdating nila kay Jesus, nakita nila ang taong dating sinasaniban ng kawan ng masasamang espiritu. Nakaupo siya at nakadamit, at matino na ang pag-iisip. Kaya natakot ang mga tao. 16 Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung ano ang nangyari sa taong iyon at sa mga baboy. 17 Kaya pinakiusapan nila si Jesus na umalis sa kanilang lugar.
18 Nang
sumasakay na si Jesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na
isama siya. 19 Pero hindi pumayag si Jesus. Sa halip,
sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang
lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.” 20 Kaya
umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis, ang ginawa sa kanya ni Jesus. At
namangha ang lahat ng nakarinig tungkol sa nangyari.
No comments:
Post a Comment