• 30 At sinabi niya: “Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? 31 Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. 32 Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki na higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon ng langit.”
33 Itinuro niya sa kanila ang lahat
ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang
isipan. 34 Hindi siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga.
Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na
lamang.
No comments:
Post a Comment