13 Umakyat si Jesus sa burol at tinawag
ang mga gusto niya. At lumapit sila sa kanya. 14 Sa gayon niya hinirang
ang Labin-dalawa (na tinawag din niyang Mga Apostol) upang makasama niya
at maipadala sila para mangaral 15 at magkaroon ng kapangyarihan para
palayasin ang mga demonyo.
16 Kaya itinalaga niya ang Labindalawa
at tinawag na Pedro si Simon, 17 at si Jaime na anak ni
Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan, at tinawag niya silang Boanerges, na
ang ibig sabihi’y “Sina-Parang-Kulog”; 18 at saka si Andres, at si Felipe,
si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, at si
Tadeo, 19 si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo
sa kanya.
No comments:
Post a Comment