1 Muling pumasok si Jesus sa
sinagoga, at naroon ang isang lalaki na hindi maigalaw ang kamay, at mayroon
ding gustong magsumbong tungkol kay Jesus. 2 Kaya nagmasid sila at baka
pagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pahinga.
3 At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” 4 At saka niya sila tinanong: “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” At di sila umimik.
5 Nalungkot si Jesus dahil sa katigasan
ng kanilang puso kaya galit niyang tiningnan silang lahat, at sinabi sa lalaki:
“Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at gumaling
ito. 6 Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi
ni Herodes para masiraan nila siya.
No comments:
Post a Comment