Wednesday, January 13, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Enero 14, Huwebes sa Unang Linggo ng Taon: Marcos 1:40-45


Mabuting Balita: Marcos 1:40-45
40 Lumapit kay Jesus ang isang may­­ketong at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” 41 Naha­bag si Jesus sa kanya, iniunat ang kanyang kamay, hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” 42 Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya. 

43 Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus sa kanyang pag-alis, 44 sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sa­bihin kaninuman, kundi pu­munta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.”  

45 Ngunit pagkaalis ng tao, sini­mulan niyang ipahayag ito kahit saan at ipa­malita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang maka­pasok sa bayan si Jesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing.

2 comments:

Unknown said...

Hello po. Paano po naseset ang mabuting balita sa bawat araw? May cycle po ba ito o may binibigay na chapter and verses ang vatican sa bawat araw.

Marino J. Dasmarinas said...

Hi! Tama ka may cycle. God bless you!