40 Lumapit kay Jesus ang isang mayketong
at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” 41 Nahabag si
Jesus sa kanya, iniunat ang kanyang kamay, hinipo siya at sinabi: “Gusto ko,
luminis ka!” 42 Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong
at luminis siya.
43 Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus sa kanyang pag-alis, 44 sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.”
45 Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan
niyang ipahayag ito kahit saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito,
hindi na lantarang makapasok sa bayan si Jesus kundi nanatili siya sa labas,
sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan
galing.
Hello po. Paano po naseset ang mabuting balita sa bawat araw? May cycle po ba ito o may binibigay na chapter and verses ang vatican sa bawat araw.
ReplyDeleteHi! Tama ka may cycle. God bless you!
ReplyDelete