Tuesday, November 24, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 25 Miyerkules sa Ika-34 na Linggo ng Taon Lucas 21:12-19


Mabuting Balita: Lucas 21:12-19
12 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, bago sumapit ang lahat ng ito, dadakipin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa mga sinagoga at dadalhin sa mga kulungan at ihaharap sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. 13 Sasapit ito sa inyo para makapag­pa­totoo kayo sa akin. 

14 Isaisip ninyo na huwag ikabalisa ang pagtatanggol sa inyong sarili 15 dahil ako mismo ang magbibigay sa inyo ng mga salita at karunungang di matata­galan o masasagot ng lahat ninyong ka­away. 

16 Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan, at papatayin nila ang ilan sa inyo. 17 At kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. 18 Su­balit hindi maaano isa mang buhok sa inyong ulo. 19 Sa in­yong pagpapaka­tatag, ang mga sarili ninyo mis­mo ang inyong makakamit.

No comments: