Monday, November 9, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 11 Miyerkules; San Martin ng Tours (Paggunita): Lucas 17:11-19

 

Mabuting Balita: Lucas 17:11-19
11 Habang papunta si Jesus sa Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Samaria sa Galilea. 12 At pagpasok niya sa isang nayon, may sampung lala­king may ketong ang luma­bas para salubungin siya. 13 Tumayo ang mga ito sa malayo at tumawag nang malakas: “Jesus, Guro, maawa ka sa amin.” 

14 At sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Uma­lis kayo at humarap sa mga pari.” At nang­yari na guma­ling sila habang nag­la­­lakad. 15 Isa sa kanila ang agad na nag­balik nang makita niyang guma­ling siya, at pasigaw niyang pinuri ang Diyos. 16 Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus, sa pag­papasa­lamat sa kanya. Isa siyang Samaritano. 

17 Kaya sinabi ni Jesus: “Di ba’t sampu ang gumaling? Nasaan ang siyam? 18 Wala bang bumalik para magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” 19 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Tumayo ka, iniligtas ka ng iyong pana­nampalataya.”

No comments: