20 Tinanong si Jesus ng mga Pariseo kung kailan darating ang
paghahari ng Diyos at sumagot siya: “Hindi lantaran ang pagdating ng kaharian
ng Diyos; 21 di masasabing ‘Narito o naroon,’ nasa inyo na nga ang
kaharian ng Diyos.”
22 Sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Darating ang panahon na
pananabikan ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at di naman ninyo
makikita. 23 At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong
pupunta, huwag maghahanap. 24 Sumisiklab nga ang kidlat at
nagniningning mula sa isang dako ng langit hanggang sa kabila, gayundin naman
ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. 25 Subalit kailangan muna
niyang magtiis ng marami at itakwil ng mga tao sa kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment