Monday, November 9, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 12 Huwebes; San Josafat Obispo at martir (Paggunita): Lucas 17:20-25


Mabuting Balita: 
Lucas 17:20-25
20 Tinanong si Jesus ng mga Pariseo kung ka­ilan darating ang paghahari ng Diyos at su­magot siya: “Hindi lantaran ang pagdating ng kaharian ng Diyos; 21 di masasabing ‘Narito o naroon,’ nasa inyo na nga ang kaharian ng Diyos.” 

22 Sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Dara­ting ang panahon na pananabikan ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at di naman ninyo makikita. 23 At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pu­­punta, huwag maghahanap. 24 Sumi­siklab nga ang kid­lat at nagniningning mula sa isang dako ng langit hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. 25 Subalit kailangan muna niyang mag­tiis ng ma­rami at itakwil ng mga tao sa kasalu­kuyan.

No comments: