Monday, November 9, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 13 Biyernes sa Ika-32 na Linggo ng Taon: Lucas 17:26-37


Mabuting Balita: 
Lucas 17:26-37
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 26 Tulad ng nangyari sa panahon ni Noe, ga­yundin sa mga araw ng Anak ng Tao. 27 Kuma­kain sila at umiinom, nag-aasawa ang mga lala­ki at mga babae, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang Baha na pumuksa sa lahat. 28 Tulad sa panahon ni Lot: kuma­kain sila at umiinom, nagtitinda at nami­mili, nagtatanim at nagta­tayo. 29 At nang luma­bas si Lot mula sa Sodom, nagpaulan ang Diyos mula sa langit ng apoy at asupre na pumuksa sa lahat. 30 Ganito rin sa araw na ibu­bunyag ang Anak ng Tao. 

31 Sa araw na iyon, huwag nang bu­ma­ba pa sa bahay ang nasa terasa para kunin ang kanyang mga gamit at huwag nang umuwi pa ang nasa bukid. 32 Alala­ha­nin ninyo ang asawa ni Lot. 33Ang sinumang magsikap na magligtas ng sarili ay mawawalan nito, at ang ma­wawalan naman ng sarili ang magsisilang nito sa buhay. 

34 Sinasabi ko sa inyo: kung may da­lawa sa isang higaan sa gabing iyon, da­dalhin ang isa at iiwan ang isa pa; 35 kung may dalawang babaeng magkasamang gumigiling, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa.” 37 At itinanong naman nila: “Saan, Panginoon?” Sumagot siya. “Kung nasaan ang katawan, doon nagti­tipon ang mga buwitre.”

No comments: