18 Sa paglalakad ni Jesus sa pampang
ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon na tinawag
na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila.
19 Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko
kayong mangingisda ng tao.”
20 Agad nilang iniwan ang kanilang
mga lambat at sumunod sa kanya. 21 Nagpatuloy siya sa paglakad at nakita
naman niya ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka
sila kasama ng kanilang amang si Zebedeo at nagsusursi ng kanilang lambat.
Tinawag sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan ang bangka nila at ang kanilang
ama, at nagsimulang sumunod sa kanya.
No comments:
Post a Comment