21 Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa
galak sa Espiritu Santo si Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon
ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa
marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging
kalugud-lugod ito sa iyo. 22 Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang
lahat. Walang nakakakilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang
Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.”
23 Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa
mga alagad at sinabi sa kanila nang sarilinan: “Mapalad ang mga matang nakakakita
ng inyong nakikita. 24 Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang
nagnais makita ang inyong nakikita pero hindi nila nakita, at marinig ang
inyong naririnig pero hindi nila narinig.”
No comments:
Post a Comment