1 Isang araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar at pagkatapos
niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo
kaming manalangin kung paanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.”
2 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin
ninyo: Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang kaharian mo, 3 bigyan mo
kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, 4 patawarin mo kami
sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa
amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”
No comments:
Post a Comment