Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 49 Dumating ako upang
maghagis ng apoy sa lupa, at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab na
sana ito! 50 Ngunit dapat akong mabinyagan ng isang binyag, at ganoon na
lamang ang pagkabalisa ko hanggang di ito nagaganap!
51 Sa akala ba ninyo’y dumating ako para magbigay ng kapayapaan
sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, kundi paghihiwa-hiwalay! 52 Sapagkat
mula ngayo’y magkakahati-hati ang limang nasa isang sambahayan, tatlo laban sa
dalawa at dalawa laban sa tatlo; 53 magkakahati-hati sila: ama laban sa
anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa anak na babae at
anak na babae laban sa ina, biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae
at manugang na babae laban sa biyenang babae.”
No comments:
Post a Comment