Monday, October 19, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 20, Martes; sa Ika-29 na Linggo ng Taon : Lucas 12:35-38


Mabuting Balita: Lucas 12:35-38
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 35 Maghintay kayong bihis at handang maglingkod, na may nakasinding mga lam­para. 36 Maging tulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang pa­nginoon. Pauwi siya mula sa kasalan at agad nilang mabubuksan ang pinto pag dating niya at pag katok. 

37 Mapalad ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghi­hintay sa panginoon pag­dating niya. Maniwala kayo sa akin, isu­suot niya ang damit pantrabaho at pauupuin sila sa hapag at isa-isa silang pagsisil­bihan. 38 Dumating man siya sa hating­gabi o sa madaling-araw at ma­tagpuan niya silang ganito, mapalad ang mga iyon!

No comments: