16 At idinagdag ni Jesus ang isang talinhaga: “May isang taong mayaman na maraming tinubo sa kanyang lupain. 17 Kaya nag-isip-isip siya: ‘Ano ang gagawin ko? Wala man lang akong mapagtipunan ng aking ani.’ 18 At sinabi niya: ‘Ito ang gagawin ko, gigibain ko ang aking mga bodega at magtatayo ako ng mas malalaki; doon ko titipunin ang lahat kong trigo at ang iba pa. 19 At masasabi ko na sa aking sarili: Kaibigan, marami kang ari-ariang nakalaan para sa maraming taon. Magpahinga ka, kumain, uminom at magsaya.’
20 Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos: ‘Hangal! Sa gabi ring ito,
babawiin sa iyo ang iyong buhay. Mapapasakanino na ang iyong inihanda?’
21 Gayon din ang masasabi sa sinumang nag-iimpok ng yaman para sa kanyang
sarili at walang tinutubo para sa Diyos.”
No comments:
Post a Comment