Monday, October 12, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 14, Miyerkules sa Ika-28 na Linggo ng Taon: Lucas 11:42-46


Mabuting Balita: Lucas 11:42-46
Sinabi ni Jesus, Sawimpalad kayong mga Pariseo! Nagba­bayad nga kayo ng ikapu ng yerbabuena at ng ruda at ng lahat ng gulay, at pinababayaan naman ninyo ang kataru­ngan at ang pag-ibig sa Diyos. Ito nga ang dapat gawin nang di kinaliligtaan ang mga iyon. 43 Sawimpalad kayong mga Pa­riseo! Gusto ninyong mabigyan ng pa­nguna­hing upuan sa mga sinagoga at mabati sa mga liwa­san. 44 Sawimpalad kayo, na parang mga naka­tagong libi­ngan, na inaapakan ng mga tao at di man lang nila namamalayan.” 

45 Nagsalita ang isang guro ng Batas: “Guro, iniinsulto mo rin kami sa pagsa­sabi mo ng mga ito.” 46 At sinabi ni Jesus: “Sawimpalad din ka­yong mga guro ng Batas! Ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga napakabibigat na pasanin, ngunit ni isang daliri ay ayaw ninyong igalaw para tulungan sila.

No comments: