Monday, September 28, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 30, Miyerkules, San Geronimo, pari at pantas ng Iglesia (Paggunita): Lucas 9:57-62

 


Mabuting Balita: Lucas 9:57-62
57 Habang naglalakad sila, may nag­sabi kay Jesus: “Susunod ako sa iyo saan ka man pumunta.” 58 At sinabi sa kanya ni Jesus: “May lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon; ang Anak ng Tao nama’y wala man lang mahiligan ng kanyang ulo.” 59 At sinabi naman niya sa isa: “Sumunod ka sa akin.” Sumagot naman ito: “Pauwiin mo ako para ma­ili­bing ko muna ang aking ama.” 

60 Ngu­nit sina­bi sa kanya ni Jesus: “Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay; humayo ka naman at ipa­ngaral ang kaharian ng Diyos.” 61 Sinabi naman ng isa pa: “Su­sunod ako sa iyo, Panginoon pero pauwiin mo muna ako para makapagpaalam sa aking mga kasambahay.” 62 Sinabi sa kanya ni Je­sus: “Hindi bagay sa kaharian ng Diyos ang humahawak ng araro at pagkatapos ay lumilingon sa likuran.”

No comments: