Friday, September 25, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 26, Sabado sa Ika-25 na Linggo ng Taon: Lucas 9:43b-45


Mabuting Balita: Lucas 9:43b-45
Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 44 “Ita¬nim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” 45 Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang mag¬tanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.

No comments: