Thursday, September 24, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 25, Biyernes sa Ika-25 na Linggo ng Taon: Lucas 9:18-22

Mabuting Balita: Lucas 9:18-22
18 Minsan, mag-isang nagdarasal si Jesus at naroon din ang mga alagad. Tinanong niya sila: “Sino raw ako ayon sa sabi ng mga tao?” 19 Sumagot sila: “Si Juan Bautista raw; may iba namang nagsa­sabing ikaw si Elias at may iba pang nagsasabi na isang propeta noong una ang nabuhay.”

20 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Pedro: “Ang Mesiyas ng Diyos.” 21 At inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin ito kaninuman.  22 Sinabi nga ni Jesus: “Kaila­ngang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”

No comments: