7 Nabalitaan naman ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyayaring
ito at litung-lito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si
Juan. 8 Sinabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at ng iba pa na isa
sa mga propeta noon ang bumangon. 9 At sinabi ni Herodes: “Pinapugutan
ko si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya
sinikap niyang makita si Jesus.
No comments:
Post a Comment