1 Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng lakas at
kapangyarihan para supilin ang lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit.
2 Sinugo niya sila para ipahayag ang kaharian ng Diyos at magbigay-lunas.
3 Sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong
paglakad, ni tungkod, ni supot, ni tinapay, ni salapi; huwag kayong magkaroon
ng tigalwang bihisan. 4 Sa alinmang bahay kayo nakituloy, doon kayo
tumigil hanggang sa pag-alis ninyo. 5 Kung may hindi tatanggap sa inyo,
umalis kayo sa bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang
sakdal laban sa kanila.”
6 Kaya nga lumabas sila at dumaan sa lahat ng bayan na nangangaral at nagpapagaling saanman.
No comments:
Post a Comment