Wednesday, September 02, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 3, Huwebes; San Gregorio Magno, papa at pantas ng Iglesia (Paggunita): Lucas 5:1-11


Mabuting Balita: Lucas 5:1-11
1 Dinagsa si Jesus ng napakaraming taong nakikinig sa salita ng Diyos at nakatayo naman siya sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. 2 Nakita niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kaba­baba pa lamang ng mga mangi­ngisda mula sa mga ito para hugasan ang mga lambat. 3 Kaya suma­kay siya sa isa rito na pag-aari ni Simon at hiniling dito na lumayo nang kaunti mula sa dalampasigan. Umupo siya at mula sa bangka’y sinimulang turuan ang maraming tao.

4 Matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog ninyo ang inyong mga lambat para hu­muli.” 5 Ngunit sumagot si Simon: “Guro, buong magdamag kaming nagpagod at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang mga lambat.” 6 At nang gawin nila ito, naka­huli sila ng napaka­raming isda kaya halos mag­kandasira ang kani­lang mga lambat. 7 Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bang­ka para lumapit at tulungan sila. Du­mating nga ang mga ito at pinu­no nila ang dalawang bangka hang­gang halos lumu­bog ang mga iyon.

8 Nang makita ito ni Simon Pedro, nag­pa­tirapa siya sa harap ni Jesus at sinabi: “Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat taong makasalanan lamang ako.” 9 Tala­ga ngang nasindak siya at ang lahat niyang kasama dahil sa huli ng mga isda na nakuha nila. 10 Gayundin naman ang mga anak ni Zebedeo na sina Jaime at Juan na mga kasama ni Simon.

Ngunit sinabi ni Jesus kay Simon: “Huwag kang matakot; mula ngayo’y mga tao ang huhulihin mo.” 11 Kayat nang ma­dala na nila ang mga bangka sa lupa, iniwan nila ang lahat at sumu­nod sa kanya.

No comments: